Josue
Kabanata 19
At ang ikalawang kapalaran ay napasa Simeon, sa lipi ng mga anak ng Simeon ayon sa kanilang mga angkan: at ang kanilang mana ay nasa gitna ng mana ng mga anak ni Juda.
2 At kanilang tinamo na pinakamana ang Beerseba, o Seba, at Molada;
3 At Hasar-sual, at Bala, at Esem;
4 At Heltolad, at Betul, at Horma;
5 At Siclag, at Beth-marchaboth, at Hasarsusa,
6 At Beth-lebaoth, at Saruhen: labing tatlong bayan pati ng mga nayon niyaon:
7 Ain, Rimmon, at Eter, at Asan, apat na bayan pati ng mga nayon niyaon:
8 At ang lahat ng mga nayon na nasa palibot ng mga bayang ito hanggang sa Baalathbeer, Ramat ng Timugan. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan.
9 Mula sa bahagi ng mga anak ni Juda ang mana ng mga anak ni Simeon: sapagka't ang bahagi ng mga anak ni Juda ay totoong marami sa ganang kanila; kaya't ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kanilang mana.
10 At ang ikatlong kapalaran ay napasa mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan. At ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid:
11 At ang kanilang hangganan ay pasampa sa dakong kalunuran sa Merala, at abot sa Dabbeseth at mula roo'y abot sa batis na nasa harap ng Jocneam,
12 At paliko mula sa Sarid sa dakong silanganan na dakong sinisikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Chisiloth-tabor, at palabas sa Dabrath, at pasampa sa Japhia;
13 At mula roon ay patuloy sa dakong silanganan sa Gith-hepher, sa Ittakazin; at palabas sa Rimmon na luwal hanggang sa Nea:
14 At ang hangganan ay paliko sa hilagaan na patungo sa Hanaton: at ang labasan niyaon ay sa libis ng Iphta-el;
15 At sa Catah, at sa Naalal, at sa Simron, at sa Ideala, at sa Bethlehem: labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
16 Ito ang mana ng mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
17 Ang ikaapat na kapalaran ay napasa Issachar, sa mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan.
18 At ang kanilang hangganan ay hanggang sa Izreel, at Chesulloth, at Sunem,
19 At Hapharaim, at Sion, at Anaarath,
20 At Rabbit, at Chision, at Ebes,
21 At Rameth, at En-gannim, at En-hadda, at Beth-passes,
22 At ang hangganan ay abot sa Tabor, at Sahasim, at sa Beth-semes; at ang mga labasan ng hangganan ng mga yaon ay sa Jordan: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
23 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
24 At ang ikalimang kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan.
25 At ang kanilang hangganan ay Helchat, at Hali, at Beten, at Axaph,
26 At Alammelec, at Amead, at Miseal; at abot sa Carmel na dakong kalunuran at sa Sihorlibnath;
27 At paliko sa dakong sinisikatan ng araw sa Beth-dagon, at abot sa Zabulon, at sa libis ng Iphta-el na dakong hilagaan sa Beth-emec at Nehiel; at palabas sa Cabul sa kaliwa.
28 At Hebron, at Rehob, at Hammon, at Cana, hanggang sa malaking Sidon,
29 At ang hangganan ay paliko sa Rama, at sa bayang nakukutaan ng Tiro; at ang hangganan ay paliko sa Hosa, at ang mga labasan niyaon ay sa dagat mula sa lupain ni Achzib;
30 Gayon din ang Umma, at Aphek, at Rehob: dalawang pu't dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
31 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
32 Ang ikaanim na kapalaran ay napasa mga anak ni Nephtali, sa mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan.
33 At ang kanilang hangganan ay mula sa Heleph, mula sa encina sa Saananim, at sa Adamineceb, at sa Jabneel, hanggang sa Lacum; at ang mga labasan niyaon ay sa Jordan;
34 At ang hangganan ay paliko sa dakong kalunuran sa Aznot-tabor, at palabas sa Hucuca mula roon; at abot sa Zabulon sa timugan, at abot sa Aser sa kalunuran, at sa Juda sa Jordan na dakong sinisikatan ng araw.
35 At ang mga bayang nakukutaan ay Siddim, Ser, at Hamath, Raccath, at Cinneret,
36 At Adama, at Rama, at Asor,
37 At Cedes, at Edrei, at En-hasor,
38 At Iron, at Migdalel, Horem, at Beth-anath, at Beth-semes: labing siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
39 Ito ang mana ng lipi, ng mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
40 Ang ikapitong kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan.
41 At ang hangganan ng kanilang mana ay Sora, at Estaol, at Ir-semes,
42 At Saalabin, at Ailon, at Jeth-la,
43 At Elon, at Timnath, at Ecron,
44 At Elteche, at Gibbethon, at Baalat,
45 At Jehul, at Bene-berac, at Gatrimmon,
46 At Me-jarcon, at Raccon pati ng hangganan sa tapat ng Joppa.
47 At ang hangganan ng mga anak ni Dan ay palabas sa dako roon ng mga yaon; sapagka't ang mga anak ni Dan ay sumampa at bumaka laban sa Lesem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at inari at tumahan doon, at tinawag ang Lesem, na Dan, ayon sa pangalan ni Dan, na kanilang ama.
48 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga yaon.
49 Gayon kanilang tinapos ang pagbabahagi ng lupain na pinakamana ayon sa mga hangganan niyaon; at binigyan ng mga anak ni Israel ng mana si Josue na anak ni Nun sa gitna nila:
50 Ayon sa utos ng Panginoon ay kanilang ibinigay sa kaniya ang bayang kaniyang hiningi, ang Timnath-sera sa lupaing maburol ng Ephraim: at kaniyang itinayo ang bayan at tumahan doon.
51 Ito ang mga mana na binahagi ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel na pinakamana, sa pamamagitan ng pagsasapalaran sa Silo sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. Gayon nila niwakasan ang pagbabahagi ng lupain.