Tiyaga
-
Magmasipag ka na alamin mo ang kalagayan ng iyong mga kawan, at tingnan mong mabuti ang iyong mga bakahan:
Mga Kawikaan 27:23 -
At itatayo ng mga taga ibang lupa ang iyong mga kuta, at ang kanilang mga hari ay magsisipangasiwa sa iyo:
Isaias 60:10 -
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, sisiyasat ng aking mga tupa, at aking hahanapin sila.
Ezekiel 34:11 -
Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa.
Juan 21:16 -
Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig; nguni't ang Dios ang siyang nagpalago.Ano pa't walang anoman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Dios na nagpapalago.
1 Mga Taga Corinto 3:6, 7 -
Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni't ingatan ng bawa't tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.
1 Mga Taga Corinto 3:10 -
Kung ipinaghasik namin kayo ng mga bagay na ayon sa espiritu, malaking bagay baga na aming anihin ang inyong mga bagay na ayon sa laman?
1 Mga Taga Corinto 9:11 -
Datapuwa't sinasabi ko, Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana.
2 Mga Taga Corinto 9:6 -
At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.
2 Timoteo 2:2 -
Pangalagaan ninyo ang kawan ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban ng Dios; ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pagiisip;
1 Pedro 5:2